Problemadong mister nagpatiwakal

WINAKASAN ng isang 56-anyos na mister ang kanyang buhay matapos na hindi makayanan ang mga problemang kinakaharap.

Natagpuang nakabigti ang biktimang kinilalang si Rolando Go, hiwalay sa asawa, ng 3145 Molave St., sa panulukan ng Hermosa St., sa Tondo, Maynila.

Batay sa ulat ni Det. Jonathan Moreno, ng MPD-Crime Against Persons Investigation Section dakong 11:30 ng tanghali nang madiskubreng nakabigti gamit ang nylon cord ang biktima sa loob ng bahay.

Huling nakitang buhay si Go, ng isang barangay tanod na si Mark Macagaya, nitong Miyerkules, dakong 4:00 ng hapon, habang nanonood pa ito ng basketball.

Sa rekord ng pulisya, napag-alamang matagal na umanong hiwalay ang biktima sa kanyang asawa at nag-iisa na lamang umano ito sa buhay.

Narekober ng awtoridad ang isang suicide note na nakasulat sa kalendaryo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply