Problemadong varsity player nagpatiwakal

UPANG takasan ang suliraning kinakaharap sa buhay kaya ipinasya ng isang varsity player mula sa Bicol region na magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa tinutuluyang dormitoryo sa Albay kagabi.

Base sa report, kumalabog ang katawan ng biktimang si Rich Monsalve, residente ng Barangay Namantao, Daraga at varsity player ng  Bicol College nang tumalon mula sa ikatlong palapag ng kanilang dormitoryo bandang alas-11:30 ng gabi.

Tinangka pang itakbo sa pagamutan ang 20-anyos na criminology student subalit idineklarang dead on arrival na.

Nabatid na una rito ay nagtangka na ring  tumalon sa nasabing building ang biktima subalit nagawang mapigilan ng kanyang mga kasamahan.

Subalit makaraan ang ilang oras lingid sa mga ka-room mate nito ay muling bumalik si Monsalve sa itaas ng kanyang tinutuluyang dormitoryo at doon itinuloy  ang kanyang planong pagpapatiwakal.

Wala nang nagawa ang kanyang mga kasamahan sa pag-aakala na nahimasmasan na ito at nagliwanag na ang kanyang pag-iisip.

Sinasabing may pinagdadaanang mabigat na suliranin sa buhay ang biktima na posibleng nagtulak sa kanya para wakasan ang kanyang buhay.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply