Programa kontra dengue, leptospirosis, diarrhea, pinangunahan ng DOH-3

BACOLOR, Pampanga, Setyembre 3 (PIA) — Pinangunahan ng Department of Health-Center for Health Development 3 (DOH-CHD-3) ang pagsisimula ng “Oplan: Kontra DLD (dengue, leptospirosis, diarrhea).”

Nakiisa sa regional sanitation summit na may temang “Oplan: Kontra Dengue, Leptospirosis at Diarrhea pag-ibayuhin, proper hygiene isabuhay at panatilihin,” si DOH Regional Director Leonita Gorgolon, Mayor Oscar Rodriguez ng San Fernando, mga kawani ng kalusugan at sanidad at mga representante ng mga kasamang ahensya.

Sabi ni Gorgolon, sa kalagitnaan pa lamang ng pagbabaha at pagkatapos nito ay nakahanda na ang DOH sa mga inaasahang kaso ng mga nasabing sakit.

“Ang doxycycline na gamot para maagapan at mapagaling ang leptospirosis ay libre sa mga health center at mga ospital na minementena ng DOH gaya ng Jose B. Lingad Memorial Regional Hospital (JBL),” dagdag ni Gorgolon.

Sa pamamagitan ng Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD), maigting pa rin ang pagtutok ng DOH upang mapanatili ang mga kaso ng dengue sa lebel na hindi na nakababahala sa kaligtasan ng publiko.

Sa mga kaso naman ng diarrhea, ipinayo ni Gorgolon ang pag-inom ng Oral Re-hydration Solution (Oresol) upang makaiwas sa dehydration.

Hinikayat naman ni Rodriguez ang publiko na maging bahagi ng pagpapanatili ng kalinisan sa kapaligiran dahil ang DLD ay problemang pangkapaligiran dulot ng maruming paligid.

Sa pamamagitan nito, naniniwala si Rodriguez na makokontrol at mkakaiwas ang lahat sa DLD.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply