Promosyon sa nagpahirap sa Morong 43, anino ng Martial Law

ANINO ng madilim na nakaraan ng martial law ang promosyon ni Major General Jorge Segovia sa Commission on Appointments (CA) sa ginanap na plenary session ng nitong Biyernes.

“The promotion of Morong 43 torturer Segovia is reminiscent of the Martial Law heydays of military officials, when rewards are given to those who commit human rights violations. This goes to show that impunity is alive and well, even after Martial Law, under Aquino,” pahayag pa ni Cristina Palabay, pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

Matatandaan na kasama si Segovia sa sinampahan ng kasong sibil at kriminal kaugnay ng isyu ng Morong 43 kung saan kasama niyang akusado sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at iba pang nangununang opisyal ng militar at pulis na responsable sa umano’y pagpapahirap, iligal na pag-aresto at pagkulong sa mga manggagamot at manggagawa sa kalusugan na tinagurian ngang Morong 43.

Nagsampa rin ng reklamo sa Commission on Human Rights ang grupo.

Maliban sa Karapatan, tutol din ang Council for Health and Development at si Dr. Alexis Montes ng Morong 43 sa promosyon ni Segovia bilang Lieutenant General at ipinahayag pa ito ng mga grupo sa CA.

Idinagdag pa ni Palabay na sa kabila ng mga kasong kinasasangkutan ni Gen. Segovia, at ng matinding oposisyon at pagkuwestiyun sa kanyang integridad, kredibilidad, kakayahan at naitalang pagganap sa tungkulin, inaprubahan pa rin ng CA ang kanyang promosyon.

“As the nation commemorates the 40th year of Martial Law declaration tomorrow, Segovia’s promotion comes as a stark reminder that the vestiges of Marcos’ Martial Law persists,” ayon pa kay Palabay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply