Prostitution den sa Chinatown, untouchable

NGAYON ay muli nating pahapyaw na silipin ang Star Coffee Garden na front ng prostitution den na matatagpuan sa 2nd floor ng Good Hope Hotel sa Sta. Cruz, Manila.

Sa impormasyon na natanggap natin, isang alyas David na tinaguriang “Prostitution King” at dating may-ari ng isang napakalaking prostitution den sa Chinatown ang may-ari ng Star Coffee Garden.

Ang grupo ni David ang responsable sa pag-o-operate ng prostitution den sa buong Chinatown.

Ang grupo rin niya ang dating may-ari ng New Orient KTV na nasa panulukan ng Ongpin St. sa Sta. Cruz, Maynila.

Ibang klase ang Star Coffee Garden dahil kahit lantaran ang bentahan ng sex sa establishment na yan ay hindi pa rito hinuhuli ng kapulisan.

Mantakin ninyo, ilang metro lang ang layo ng prostitution den na ito sa simbahan ng Sta. Cruz pero patuloy ang sex trade sa nasabing establishment.

Ang nakapagtataka pa rito ay kung bakit tila bingi at bulag ang kapulisan sa talamak na nangyayaring bentahan ng sex sa Star Coffee Garden.

Mantakin ninyo,ilang metro lang din ang layo ng Star Coffee sa PCP Sta. Cruz ng PS11 ng MPD pero hindi ito ginagalaw.

Kung magagawi kayo sa Star Coffee Garden, mula sa 2nd floor yung mismong mga waitress na nagseserve sa parokyano ang ibinebenta ng nasabing establishment.

Ang presyo ng waitress ay P1,500 at ang charge naman para sa kuwarto ay P1,000.

Sa 3rd floor, makikita naman ang mga stay-in na bayaring China girl sa halagang P3000.

BOOKIES NI CAMOTE SA CALOOCAN

Ang lakas ng bookies ni Danny Camote na pinatatakbo ng isang alyas Nancy sa Caloocan City.

Hindi hinuhuli ng kapulisan dahil may lagay.

Anomang reklamo o puna, mangyaring itext lang sa 0918-9274764,09266719269 o email juandesabog @ yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply