Protesta vs pelikula inilunsad sa US Embassy

NAGSAGAWA ng motorcade  kaninang umaga ang Taguig Muslim Community sa harap embahada ng Estados Unidos sa Roxas Boulevard, sa Ermita, Manila.

Lulan ng 100 sasakyan ang mga nagpoprotesta na lumikha ng bahagyang trapiko.

Ang protesta ay kaugnay pa rin sa kontrobersiyal na pelikulang ‘Innocence of the Muslims’. Itinuturing ng grupo na pambabastos ang nasabing pelikula na ipinalabas sa internet sa kanilang propetang si Mohammad.

“Love my Messenger, the Allah”, ang nakasulat na placard sa isang Sports Utility Vehicle ng isa sa mga nagprotesta.

Nakalapit sa embahada ang mga nagoprotesta pero wala namang naglakas-loob na bumaba para ihayag ang kanilang saloobin.

Tumagal ng isang oras at kalahati ang pag-ikot ng sasakyan ng mga nagprotesta bago tuluyang nilisan ang lugar.

Binarikadahan naman ng mga tauhan ng Manila Police District(MPD) at mga security personnel ng US Embassy ang harapan ng gate para hindi makagawa ng anumang panggugulo ang mga nagprotesta.

Nauna rito,  naging marahas ang kilos protesta ng mga muslim sa Pakistan at maging sa Libya dahil sa nabanggit na internet film.

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply