Public Information Office sa SC, binuwag ni CJ Sereno

BINUWAG na ng bagong talagang Chief Justice ng Korte Suprema ang Public Information Office o PIO.

Batay sa memorandum na ipinakalat ngayon ni Chief  Justice Maria Lourdes Sereno, nilinaw na ang pagbuwag sa PIO ay bahagi ng hakbang na ibalik ang dignified silence ng Kataas-taasang Hukuman.

Batay pa rin sa naturang memo, hanggang  October 31, 2012 na lamang ang PIO ng SC.

“The services of the Management Information Office and the Public Information Office are extended effective from Aug. 25, 2012 until Oct. 31, 2012”,  sabi ni Sereno.

Sa record, ang MISO ang nangangasiwa sa computer resources at IT facilities ng Supreme Court.

Responsible rin ito sa episyente, epektibo at ligtas na paggamit ng computer system ng Supreme Court, na bahagi ng Information and Communications Technology (ICT) program sa kapanahunan ni dating Chief Justice Hilario G. Davide, Jr.

Matatandaan na si Chief Justice Davide rin ang nagtatag ng PIO ng SC noong 1998 sa layuning mailapit ang mataas na hukuman sa mga karaniwang mamamayan.

Sa pagtatag ng PIO ng SC, inilarawan ito ng dating punong mahistrado na pagbaba sa lupa ng mga diyos mula sa Mt. Olympus at pagbubukas ng kaharian ng Kataas-taasang Hukuman sa mga mamamayan.

Bago nanungkulan si Davide bilang chief justice noong 1998, walang alam ang mga mamamayan na hindi kabilang sa propesyon ng abogasya kung ano ang nagaganap sa Korte Suprema.

Kumpara sa kanilang katapat sa sangay ng ehekutibo at lehislatura, ang mga mahistrado ay hindi kilala.

“Wisdom leads me to return the Supreme Court to its days of dignified silence–when its justices were heard when read thru their writings and when the actions of the Court were best seen in their collective resolutions”, ayon kay Sereno.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply