Publisher ng Commuter Express arestado sa di pagbabayad ng SSS contribution

INARESTO ng pulisya ang publisher/owner ng free newspaper na Commuter Express sa isang pagtitipon sa Manila Hotel nitong Biyernes ng gabi, Setyembre 7, 2012.

Nabatid na habang isinagawa ang pagtitipon ng 2nd Print Congress ay dumating ang CHAPA officials sa pamumuno ni PO3 Tajonera at hinuli si Antonietta “Tonette” Henson sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng RTC Branch 139 judge Benjamin T. Pozon.

Si Henson ay dinakip ng  pulisya dahil sa hindi pagbabayad/pagre-remit ng SSS contributions ng kanyang mga empleyado.

Samantala, pinaghahanap naman ngayon ng mga pulis ang iba pang akusado na sina Victor Caluag, Ching Caluag at Realiza Henson, pawang miyembro ng board of directors ng nasabing pahayagan.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply