Pugad ng prostitusyon nireyd o pinitsa nga ba?

UY ni-reyd daw ng mga kagawad ng DPIU ng Manila Police District (MPD) ang Star Coffee Garden na nasa  Good Hope Hotel sa Sta. Cruz, Manila matapos na ibulgar natin ang talamak na sex trade na ginagawa sa nasabing establishment.

Very good, ‘di po ba?

Dahil sa walang hum-pay na ginagawa nating pagbubulgar sa mga nangyayari sa gusaling ‘yan na front ng prostitusyon ay mabilis na kumilos ang grupo ni DPIU chief Maj. Daniel Buyao.

Dinaklot lahat ng mga taga-DPIU ang lahat ng mga pokpok na waitress sa Star Coffee Garden bago dinala ang mga ito sa  DPIU.

Ang masakit rito, ‘yung mga pokpok na  China girl na nasa 4th floor ng Star Coffee Garden ay nakapagtataka kung bakit  hindi hinuli ng mga kapulisan ng DPIU.

Ewan ko kung bakit hindi nahuli ng mga pulis ang mga China girl at ang mga kaawa-awang waitress lang ang mga hinuli at nadala sa headquarters ng MPD.

Eto  ang  masakit, matapos na mahuli ang mga pokpok ng Star Coffee Garden, ilang oras lang ang nakalipas ay mabilis na pinalaya ang mga ito kahit ang mga ito ay ‘caught in the act’ na nakikipagsemputan sa kanilang mga kostumer, ayon sa ating source.

Ano ba‘yan, NCRPO chief Gen. Leonardo Espina? Hindi ko sinasabing pinitsa nina Maj. Buyao ang mga pokpok ng Star Coffee Garden pero malakas ang kutob ko na baka nga nagkapitsahan na!!!

BOOKIES HINDI MASUGPO

Sa Caloocan naman ay walang tigil ang operasyon ng bookies ng karera ni Danny Camote na pinatatakbo ng alyas Nancy.

Malakas sa pulis-Caloocan ang bookies ni Camote dahil malaki ang lagay sa mga pulis.

NCRPO chief Gen. Leonardo Espina, paki lang ang mga pulis dito.

oOo

Anoman ang reklamo mangyari ay i-text lang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.


Leave a Reply

*
sa title pa lang ay mukhang may sense ang mga peli...
NESTOR ALAM NYO BA NA SO INGGIT ITONG MABAHONG EBA...
ABE Paulite, maka BOBO ka naman at intrigero dun s...
Eto ang demanda na maliwanag na pang-propaganda la...
nakakatawa talaga ang mga comment ni kristd...haha...
KristD yong ginawa mo rin ditto ay mind conditioni...
Ahahahahahahahaha,bwuhahahahahahaha. Good one. Tw...
yuhooo mga kapamilya " KUPS' Scoop hahahah hinay...
NYAHAHAHA STD LOLA MUZTA NAMAN KEPS MO LOLA MASIKI...
nyahahahah 'kapay' kaya pala nag dabog si Starlet ...

BREAKING NEWS


© 2010 Remate | Ang Dyaryo ng Masa. All Rights Reserved.