Puganteng tulak timbog sa PDEA

MATAPOS ang walong taong pagtatago kaugnay sa kasong iligal na droga nadakip din sa wakas ng mga operatiba Philippine Drug Enforcement Agency ang isang wanted matapos itong bumisita sa kanyang asawa sa lpiitan sa Sorsogon.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Jose S. Gutierrez, Jr., ang puganteng si Aked M. Lipuas, 36 anyos at residente ng Purok 4, Barangay Travesia, Guinobatan, Albay.

Ani Gutierrez, si Lipuas ay nadakip ng pinagsamang puwersa ng PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) at Provincial Intelligence Section-Sorsogon Police Provincial Office, matapos silang makipag-ugnayan sa Sorsogon Provincial Jail Warden.

Sa ulat, nagkataong dinadalaw ni Lipuas ang nakakulong na asawang si Evelyn Enteria, na nahaharap din sa kasong droga at napiit sa Sorsogon Provincial Jail, noong Setyembre 9, 2012.

Dinampot si Lipuas sa bisa ng arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch 52, noong 2004 sa Sorsogon dahil sa kasong kinakaharap sa paglabag sa Section 15 (Use of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply