Pugot na ulo ng lalaki, natagpuan sa Kyusi

ISANG putol-putol na bahagi ng katawan ng hindi pa nakikilalang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa madamong lugar sa Quezon City.

Tanging tattoo lamang ng isang nagngangalang “:Chen” ang nakita sa likod ng bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki na walang ulo.

Sa inisyal na ulat ni SPO1 Randy Bantillo ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, unang nadiskubre ang pugot na ulo pasado alas 5:45 ng gabi sa madamong lugar sa Lower Jasmin sa Brgy. Payatas, Quezon City bago nakita ang katawan nito bandang alas 10:00 kamakalawa ng umaga.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng nasabing biktima dahil hanggang sa ngayon ay wala pang lumulutang na kamag-anak nito sa nasabing himpila

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply