Pulis binoga ang kaalitan sa trapiko

KRITIKAL ang isang driver nang barilin ng isang kagawad ng Caloocan police matapos magkaroon na mainitang argumento hingil sa trapiko sa Brgy. Potrero  Malabon City.

Inoobserbahan sa MCU hospital si Jodan Magno, 24, binata, ng 20 Palawan St., Macaneneng, Caloocan City sanhi ng isang tama ng bala 9mm pistol sa kanang sintido.

Kasalukuyang nakaratay din sa nasabing ospital ang suspek na si P02 Oliver Henson, 29, binata, nakatalaga sa Caloocan City Police Community Precint 1 at residente ng 94 Gomez St., Bagong Barrio Caloocan matapos bumangga ang kanyang sinasakyang motor sa pader .

Ayon sa ulat, dakong alas 10:00 ng gabi ng magkaroon ng mainitang ang dalawa hingil sa trapiko sa kahabaan ng Araneta Ave, Potrero, Malabon.

Base sa salaysay ni Jovet Lopez, barangay tanod ng Potrero Malabon, nakita na lang niyang nagkaroon ng mainitang argumento ang dalawa matapos magkasagian ang kanilang mga sinasakyang  motor.

Palibahasa lasing ang nasabing police kaya agad nitong binunot ang kanyang 9mm pistol ang at malapitang binaril ang biktima sa sintido.

Agad tumakas ang police subalit sa kalasingan ay bumangga ang kanyang sinasakyan motor sa pader na nagresulta sa pagkabagok naman ng ulo nito.

Nakarekober ang mga awtoridad sa pinangyarihan isang shell ng 9mm pistol at dalawang live ammunition.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply