Pulis Caloocan todas sa rumaragasang trailer truck

TODAS ang isang kagawad ng police Caloocan matapos bundulin at kaladkarin ng rumaragasang trailler truck ang sinasakyang motorsiklo habang patawid sa kalye kaninang umaga sa Rizal Ave., Caloocan City.

Dead on spot si Sp01 Enrique Montemayor ,47, nakatalaga sa PCP-3 ng Caloocan police at residente ng 1721Perfecto St, Dagupan Tondo, Manila.

Mabilis namang tumakas ang killer driver na si Helario Pandayhag, driver ng 16 weller trailer truck na may plakang TDQ-990 na pag aari ng kumpanyang Drive and Carry Movers Inc.

Ayon sa ulat, ganap na alas 9:15 ng umaga ng maganap ang sakuna sa kanto ng 4rth at Rizal Ave, Caloocan.

Nabatid sakay ng meo motorsiklo na may plakang 1767–UO ang biktima papasok sa kanyang trabaho at habang papatawid sa Rizal Ave, nabundol ng nasabing killer trailer at kinaladkad pa ng ilang metro ang kinalulunanan nito hanggang sa magulungan ang ulo na agad ikinasawi ng biktima.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at agad nagpalabas ng manhunt operation ang pulisya laban sa tumakas na killer driver.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply