Pulis Maynila nanakit, nanutok ng baril, kalaboso

PATONG-PATONG na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang pulis Maynila dahil sa pananakit at panunutok ng baril sa isang 20-anyos na binata sa Sta. Ana, Maynila.

Nahaharap ngayon sa kasong grave threats, physical injury at slander by deed ang pulis na si PO1 Ed Allan Talaguit, 24, Beat patroller ng Police Station 8 (Sta. Mesa) ng Manila Police District at nakatira sa 3130 F. Roxas St., Sta.Ana, Maynila.

Kinilala naman ang naghain ng reklamo na si Albert Toribio, 20, binata, jeepney driver ng 3159 G, Intr 4, New Panaderos, ng nasabi ring lugar.

Sa imbestiagsyon ni PO3 Jay-Jay Jacob, lasing umano ang nasabing pulis nang maganap ang pananakot, pananakit at panunutok ng baril ni PO1 Tagauit sa New Panaderos St., sa naturang lugar, kahapon ng madaling araw.

Sa reklamo ng biktima, kausap nito ang kanyang karelyebo na tsuper nang bigla na lamang siyang sinuntok ng nasabing pulis sa kaliwang bahagi ng kanyang panga at saka hinawakan sa buhok .

Ayon sa biktima inakusahan ito ng pulis na kinukursunada umano nila ang kanyang kasama.

“ (Mura) Bakit mo kinursunada ang kasama ko ha? Bakit ha? Papalag ka ha? Papalag ka? Pulis Ako! sinabi ng pulis sa biktima.

Dahil sa takot ng biktima pumiglas ito at nagtatakbo na hinabol pa rin ng lasing na pulis.

Agad na humingi ng tulong ang biktima sa MPD Station 6 kung saan sinamahan naman itong magpa-medical sa Sta. Ana Hospital bago nagreklamo sa MPD-GAS.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply