Pulis na pasaway hindi kukunsintihin ni Espina

HINDI kukunsintihin ang mga pulis na pasaway.

Ito ang ginawang pagtiyak ngayon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Leonardo Espina kasunod ng bantang tututukan niya sa unang 30 araw sa puwesto ang mga malalaking kaso na
kinasasangkutan ng mga men in uniform.

Ayon kay Espina, pipilitin niyang maresolba sa loob ng kanyang unang 30 araw sa pwesto ang mga kasong kinasasangkutan ng mga pulis maging criminal man o adminsitratibong kaso.

Bilang na rin umano ang araw ng mga pulis na may kaso lalo na ang mga paulit-ulit na nasasangkot sa extortion kaya hinihingi niya ang listahan ng mga puslis na nasasangkot sa katiwalian.

Magugunitang inihayag ng hneral na unang una niyang isusulong ang PNP Transformation upang masupil din ang paglala ng suliranin sa kriminalidad.

Hihikayatin umano ni Espina ang mga pulis sa tamang police operation at pagkakaroon ng disiplina at maging agresibo sa paglaban sa kriminalidad.

Iniutos din nito na palagiang magbukas ng blinker ang mga nagpapatrulyang mobile car kasama na ang pagsusuot ng tamang uniporme.

Mahigpit ding ipinagbabawal ni Espina ang mahabang buhok at hindi pag-aahit ng bigote ng mga pulis.

Samantala, binigyan ni Espina ng dalawang linggo ang mga police district upang ipatupad ang mga repormang inilalatag sa pagsugpo sa kriminalidad, kabilang ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa barangay para mabilis na mapigilan ang anomang krimen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply