Pulis QC nanutok ng baril, arestado

NAUWI sa pagkakaaresto at pagsasampa ng kaso ang masayang paglalaro ng basketball matapos na ireklamo ng tserman ang isang pulis Quezon City at kapatid nito sa Ermita, Maynila.

Nasa kustodiya ngayon ng Manila Police District (MPD)-General Assignment Section (GAS) si PO1 Raniel Wate, 32, may-asawa, naka-assign sa Headquarters Support Service (HSS) sa Camp Crame, Quezon City at residente ng Pabahay Muzon sa CSJDM, Bulacan at kapatid nitong si Alier Wate, 35, may asawa, Seaman ng 930-A San Antonio St., Malate, Maynila.

Inaresto ang magkapatid nang magreklamo si Renato Rellosa, 54, may-asawa, Barangay Chairman ng Bgry., 723,  Zone 79, District 5 at residente ng 2040 San Pascual St., Malate, Maynila.

Sa report ni PO3 Jayjay Jacob ng MPD-GAS, dakong 5:30 ng hapon nang naganap ang insidente sa isang basketball court sa kalye sa kanto ng Agoncillo at San Andres Sts.

Nauna dito, magkalaban sa larong basketball ang grupo ni Rellosa at Wate at sa kalagitnaan ng kanilang paglalaro nang umano’y nasiko ni Raniel ang Punong Barangay pero hindi naman umano ininda ng huli.

Gayunman, nakita ito ng mga kapatid ni Rellosa na sina Ferdinand at Mark na kasama niya sa koponan kaya nila sinita si Wate na nauwi sa pagtatalo hanggang sa sinabihan sila ni Alier na kasama rin sa koponan na “buti pa magsuntukan nalang kayo mano-mano, pulis kapatid ko” pero namagitan si Chairman.

Sa kabila nito, sinagot ni Alier na “huwag kayong aalis, babalik kami at kukuha lang ng gamit” sabay takbo patungo sa kanilang bahay na ilang metro lang ang layo.

Sinundan sila ni Rellosa at kagawad nitong si Mark Gill Cachapero subalit sinalubong sila ni Raniel at tinutukan ng baril ang una.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply