Pulis sa Sultan Kudarat, sinibak

TACURONG CITY,  SULTAN KUDARAT – Ipinag-utos na ng pamunuan ni Police S/Supt. Rolen Balquin, Provincial Director ng Sultan Kudarat PNP, na tanggalin sa kanyang pwesto ang police investigator ng Bagumbayan PNP sa Sultan Kudarat.

Kinilala ni PSSUPT. Rolen Balquin, PESE, ang naturang pulis na si PO3 Ladio Delisa, imbestigador ng Bagumbayan pulis sa Sultan Kudarat.

Sinibak si Deliso matapos ireklamo ng kanyang misis nang maaktuhan na nakapatong ang ka-live-in partner sa isang safe-house, 20-metro ang layo sa himpilan ng nasabing istasyon.

Ayon kay Balquin nangyari ang naturang insidente sa isang abandonadong tanggapan ng BJMP na may di kalayuan sa nasabing istasyon.

Sa ngayon si  Deliso ay nasa kustudiya ng investigation section ng Sultan Kudarat Police Provincial Office para sa pre-charge investigation.

Sinabi ni Balquin na sinibak si Deliso dahil hindi siya magandang halimbawa sa mga pulis at di dapat tularan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply