Pulong ng JELACC ipatawag – Pangilinan

HINIMOK ni Senador Francis Pangilinan ang mga pinuno ng tatlong sangay ng gobyerno na magpatawag ng pulong ng judicial executive legislative advisory consultative council upang pag-usapan ang mga kinakailangang reporma sa Hudikatura.

Tinukoy ng senador si Pangulong Noynoy Aquino, chief Justice Lourdes Sereno, Senate President Juan Ponce Enrile, at House Speaker Feliciano Belmonte, Jr.

Sinabi pa ni Pangilinan na ngayong may bago nang Mahistrado ay panahon na para bigyan ng direksyon ang Hudikatura sa pamamagitan ng dagdag na pondo upang ma-modernized ang Justice system.

Sa kasalukuyan ay 1% lamang ng National budget ang nakalaan sa Hudikatura.
Para sa susunod na taon, ang panukalang pondo sa Hudikatura ay nagkakahalaga lamang ng 17.77 billiion mula sa kabuuan ng proposed 2013 National budget na 2.006 trilyon.

Dismayado si Pangilinan dahil kung mananatiling ganito kaliit ang pondo para sa Hudikatura ay huwag nang umasa ang Pilipinas na makasabay sa justice system ng mauunlad na bansa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply