Pumatay sa opisyal ng Caloocan City, nadakip na

NADAKIP na ang suspek sa panghoholdap at pagpatay sa OIC ng Environment Sanitation Services sa Caloocan City North.

Nakilala ang suspek na si Richard Ramos, nasa hustong gulang ng Sta. Quiteria, Brgy, 163 ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nang madakip ang suspek sa kanilang lugar sa bisa ng mga warrant of arrest.

Si Ramos ang suspek sa pagpatay kay Ruben Merrera noong Hunyo 28, 2012 sa Narra st., Rainbow Village, Brgy. 168.

May kinakaharap rin si Ramos na mga kasong robbery with homicide, frustrated homicide, attempted homicide at illegal Possession of firearm na naging dahilan upang maging Top Most Wanted ng lungsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply