Puno dumalo sa pagdinig sa Senado

DUMALO ngayon sa imbestigasyon ng Senado ang nagbitiw na undersecretary ng Department of the Interior and Local Government na si Rico Puno.

Ayon kay Puno, sa kanyang tanggapan sa DILG naka-address ang invitation ng Senado para sa jueteng inquiry pero kahit resigned na siya ay pinili na rin niyang dumalo bilang pagpapakita ng respeto sa Senado.

Ipinatawag ni Senadora Miriam Defensor-Santiago ang naturang Senate inquiry, bilang chairman ng committee on Constitutional amendments, revision of codes and laws.

Sa panimula ng pagdinig, sinabi ni Santiago na layunin ng imbestigasyon na alamin ang “area of responsibility” ni Puno sa DILG.

Hindi rin nakaligtas sa pasaring ng senadora si Pangulong Benigno Aquino III ukol sa kabiguan ng mga opisyal nito na humarap sa pagdinig.

Unang sinabi na pinadadalo sa pagdinig sina Executive Sec. Jojo Ochoa, Justice Sec. Leila de Lima, Agriculture Sec. Ramon Paje at Transportation Sec. Mar Roxas.

Dumalo rin sa Senate inquiry sina PNP Chief Dir. General Nicanor Bartolome at retired Archbishop Oscar Cruz.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply