Puno nagbitiw na, 3 araw bago ang Senate probe

NAGBITIW na ang kontrobersyal na Interior and Local Government undersecretary Rico Puno sa kanyag posisyon kanina lamang, 3 araw bago ikasa ang Senate committee investigation sa kanya umanong ‘vast powers’ sa departamento.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Puno na nagbitiw siya para bigyan si incoming Interior and Local Government Secretary Mar Roxas ng libreng pagbuo sa kanyang bagong team.

Si Roxas ay itinalaga bilang DILG chief kapalit ni Jesse Robredo, na namatay sa plane crash noong nakaraang  Agusto 18.

Ang imbestigasyon sa Biyernes ng Senate committee sa constitutional amendments, revision of codes at laws sa ilalim ni Sen. Miriam Defensor Santiago ay isesentro rin kay Puno sa sinasabing suspetsosong pagkilos matapos ang pagkamatay ni Robredo.

Isang araw bago ang pagkamatay ni Robredo, iniulat na si Puno at iba  pang pulis ang nagtangkang pumasok sa  condominium unit ni Robredo sa Quezon City. Sa panahon ng kanyang pagkamatay, iniimbestigahan ni Robredo ang ilang anomalous transactions, kabilang ang controversial weapons deal ng Philippine National Police (PNP).

Bilang DILG undersecretary, trabaho rin ni Puno na bantayan ang kapakanan ng PNP.

Nitong nakaraang Linggo lamang, sinabi ni Santiago na masyasdong binigyan si Puno ng power dahil sa isang sinasabing maimpluwensyang backer na kahit sumabit sa paghawak ng Aug. 23, 2010 hostage crisis sa Manila ay hindi ito nasibak sa posisyon.

Walong turista mula sa Hong Kong ang napatay kasama ang isang dismissed police officer na nanghostage sa kanila na isang blackeye para sa 2-month-old Aquino administration.

 

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply