Puno probe, itinuloy ni Miriam

WALANG nakapigil kay Senator Miriam Defensor-Santiago na ipagpatuloy ang pag-iimbestiga kay dating Interior and Local Government Undersecretary Rico Puno hinggil sa malawak na kapangyarihan nito sa pulisya at kanyang partisipasyon sa paglusob sa condominium ni yumaong DILG Secretary Jesse Robredo.

Kasama ni Santiago si Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano at Senador Aquilino “Koko” Pimentel IIII sa pag-iimbestiga alinsunod sa Senate Rules na kailangan may dalawang senador sa isang public hearing upang magkaroon ng quorum.

Sa pagsisimula ng pagdinig, sinabi ni Santiago na dapat mag-aral muna ng batas ang lahat ng kanyang mga kritiko upang maintindihan kung ano ang kanyang batayang ligal sa pagpapatuloy ng imbestigasyton kay Puno kahit walang resolusyon.

Ayon kay Santiago, may karapatan ang kanyang komite na mag-imbestiga alinsunod sa Senate Rules at Rules of Procedures Governing Inquiry in aid of legislation dahil sakop ng kanyang komite, Senate committee on Constitutional amendments, revision of codes and laws upang suriin kung nilabag sa pagkakatalaga kay Puno ang Administrative Code of the Philippines.

“Ano ba naman ang mga sumsulat ng mga argumentong ito, kaya masasabi ko sila ang lowest creatures in the food chain. Hindi sila nag-iisip, dapat pag-aralan muna nila ang aming Rules,’ ayon kay Santiago.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply