Puno probe sinabotahe ng Palasyo – Miriam

MALAKI ang sama ng loob ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa ilang kasamahan sa Senado dahil wala kahit isang miyembro ng Senate committee on Constitutional amendments, revision of codes and laws na dadalo sa pagdinig hinggil sa dating DILG Secretary Rico E. Puno ngayong Biyernes.

Sa ipinadalang statement nitong Huwebes, sinabi ni Santiago na malamang, sinabotahe ng Palasyo ang isasagawang imbestigasyon sanhi ng kawalan ng quorum at hindi makadadalo si Puno.

Ayon kay Santiago, walang nagkumpirma sa 11 miyembro ng komite na makadadalo sa imbestigasyon dahil karamihan may nauna nang commitment.

Alinsunod sa Senate Rules, kailangan dalawang senador ang magbubukas ng isang pagdinig upang makabuo ng quorum.

Dagdag pa rito, ayon kay Santiago na kahit nagkumpirma ang ilang resource person na imbitado ng komite, hindi pa nakakakuha nang pagpayag si Puno simula nang natanggap abiso sa pagdinig.

Sinabi ni Santiago na kapag walang dumalong miyembro ng komite, ibig sabihin lamang nkito na inutusan ito ng Palasyo na lumayo sa pagdinig.

“If it happens, such a deliberate boycott will indicate that even my fellow senator who are members of my committee do not support my initiative. I will certainly raise a protest, but I’m thinking at the moment of what form my protest will take,” ayon kay Santiago.

Aniya, kahit magdesisyon ang komite na magpalabas ng subpoena laban kay Puno, kailangan pang lagdaan ito ni Senate President Juan Ponce Enrile.

“If the Senate President refuses to sign he subpoena, in effect he will disapprove the committee recommendation, which is not normal,” paliwanag ng senador.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply