Puno ‘wag bigyan ng puwesto – grupo

NANAWAGAN ngayon ang grupong Bayan kay Pangulong Noynoy Aquino na huwag nang bigyan ng posisyon sa gobyerno ang dating Interior and Local Government Undersecretary Rico Puno

Sinabi ni Bayan secretary general Renato Reyes, Jr. na napakarami nang bagahe ni Puno na ngayon ay nakatakda pang imbestigahan ng Senado.

Binigyang diin ni Reyes na sa pamamagitan ng paglalagay kay Puno sa pamahalaan, tila pinatawad na ng Pangulo ang lahat ng posibleng pagkakamali ni Puno, bago pa man lumabas ang resulta ng imbestigasyon.

Samantala, wala pa ring lusot si Puno sa imbestigasyon ng Senado sa Biyernes (Sept. 14).

Ayon kay Sen. Miriam Defensor Santiago, kahit pa nagbitiw na sa puwesto si Puno ay obligado pa rin itong sumipot sa pagdinig ng kanyang Senate Committee on Constitutional Amendments, Revision of Codes and Laws.

Sakaling hindi makadalo sa Biyernes si Puno ay padadalhan siya ng compulsory subpoena para dumalo sa susunod na pagdinig at kapag hindi pa rin ito dumalo ay mapipilitan na silang ipaaresto ito.

Sinabi pa ni Santiago na dapat ay noon pa nagbitiw sa puwesto si Puno dahil sa dami na ng kontrobersyang kanyang kinasangkutan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply