Puno ‘wag ipwesto sa gobyerno – Palmones

INUDYUKAN ng isang kongresista si Pangulong Benigno Aquino na huwag ng italaga sa alinmang posisyon sa gobyerno si Interior and Local Government Undersecretary Rico Puno kapag tuluyan na itong naalis sa kagawaran.

Tahasang sinabi ni AGHAM Partylist Rep. Angelo Palmones na nabahiran na ang integridad ni Puno matapos ang ginawa nitong kapalpakan gaya ng diumano’y panloloob sa condo unit ni dating DILG Secretary Jesse Robredo at ireguaridad sa pagbili ng mga bagong baril ng Philippine National Police (PNP).

Ani Palmones, kung talagang kaibigan ng pangulo si Puno ay hindi na dapat pang ipilit nito ang kaniyang sarili at tigilan na ang pagbibigay ng sakit ng ulo sa punong ehekutibo.

Maaari, aniya, na maging consultant o habambuhay na adviser ng pangulo si Puno pero huwag na sa mga sensitibong posisyon sa gobyerno.

Katwiran ni Palmones na mas marami pang kwalipikadong opisyal na maaring ilagay ang pangulo na maari nitong pakinabangan sa kaniyang ipinagmamalaking transparent na gobyerno.

Ngunit naniniwala si House Majority Floorleader Neptali Gonzales na diskresyon pa rin ng pangulo kung itatalaga si Puno lalo na kung namamalagi pa rin ang trust and confidence niya dito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply