Purok chairman todas, 2 sugatan sa pamamaril

NAMATAY ang isang purok chairman habang sugatan ang walong buwang buntis at isang tricycle driver makaraang pagbabarilin ng nakairingan sa General Santos City.

Nasawi si Ricky Flores, 33, purok chairman ng EMB Homes, Saludin, Labangal, habang sugatan naman sina Felipe Flores, 25, drayber ng traysikel, at Loremie Bartulaba, 27, walong buwang buntis, ng Pioneer Village, Lagao.

Nabatid na pauwi na sana ang mga biktima sakay ng traysikel mula sa paliligo sa Olaer swimming resort nang makasalubong nila sa daan ang isang motorsiklo na mabilis ang pagpapatakbo na siyang dahilan ng pagtatalo ng dalawang grupo.

Biglang umalis ang driver ng motorsiklo na agad namang bumalik na kasama ang dalawa pang lalaki at nagkaroon ng komprontasyon.

Sinikap pang awatin ng purok chairman ang suspek ngunit hindi nagpapigil at namaril gamit ang kalibre .45. kung saan tinamaan sa dibdib ang tricycle driver habang nagtamo naman ng tama sa braso ang buntis.

Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply