Purok leader binaril sa harap ng barangay

NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang isang Purok Leader matapos itong barilin ng dalawang beses ng mga armadong riding-in-tandem sa harap mismo ng bulwagan ng Barangay Lower Bicutan sa C6 Road ng nasabing lungsod, ayon sa ulat na ipinalabas ng Investigation and Detective Management Section (IDMS).

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na isinugod sa Taguig District Hospital na si Luz Quiano, nasa hustong gulang at nakatira ‘di kalayuan sa pinangyarihan ng krimen habang ang mga salarin naman ay mabilis na tumakas pagkaraang mabigo ang mga ito na kitlin ang buhay ng kanilang pakay.

Sa pagsisiyasat, nakita ng mga awtoridad at ilang matataas na opisyal ng barangay sa CCTV ang dalawang lalaking nakasakay ng motorsiklo na tila nag-aabang at ng makita si Quijano ay agad na pinaputukan ng baril.

Nahagip ng mga lumipad na bala ang kanang palad at kanang bahagi ng sikmura ng purok leader kung saan ang mga sumaklolo ay naagapan itong maisugod sa pagamutan.

Gumagawa na ngayon ng masusing pagsisiyasat ang mga awtoridad tungkol sa nangyaring krimen.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply