QC Mayor, 2 konsehal ginawaran ng ‘Epal Award’

NAGSIMULA ng umikot ang  grupong “Anti-Epal” sa  Quezon City isang huidyat upang ikampanya na huwag iboto ang mga pulitikong epal o ‘yung mga pulitikong nagkakalat ng mga pangalan at mukha sa mga billboard at tarpaulin na nakasabit sa mga poste at ipinangangalandakan ang kanilang mga nagawa.

Lulan ng truck, pinangunahan ni “Juana Change” na gumaganap na “Congresswoman Epal” ang pag-iikot at pagtuligsa sa mga umano’y epal na pulitiko.

Inikot ng grupo ang Kamuning area gayundin ang Sacred Heart, tapat ng mga simbahan, palengke, eskwelahan at mga poste na may mga nakahambalang na mga pangalan ng pulitiko.

Sa Roces Avenue, ginawaran ng “Number 1 Epal Award” si Councilor Vincent Belmonte dahil sa dami ng pangalan nito na nakalagay sa mga poste at waiting shed.

Sinundan ito ni Councilor Jessica Castelo-Daza at number 3 naman si Mayor Herbert Bautista.

Nilibot din ng grupo ang Visayas Avenue at Tandang Sora sa Quezon City.

Ayon naman kay Carlos Celdran na miyembro din ng “Anti-Epal Group,” bawal ang “epal” dahil pera ng bayan ang ginagastos ng mga pulitiko sa pagpapagawa ng tarpaulin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply