QC residents sa West Valley fault, pinalilipat

MAYAMAN man o mahirap, inabisuhan na kaninang umaga ng mga awtoridad ang mga residente na malapit sa West Valley Fault sa Quezon City na ikonsidera ang paglipat sa mas ligtas na lugar, kasunod ng magnitude 7.6 quake sa Eastern Visayas nitong nakaraang linggo.

Sinabi ni City Public Order and Safety Head Elmo San Diego na ang potensyal na apektadong lugar ay kabilang ang may 700 kabahayan na kapwa nasa depressed areas at sa posh subdivisions.

Sa nasabing 700 kabahayan, kalahati nito ay sa depressed areas at ang  lahati naman ay sa posh subdivisions, dagdag pa ni San Diego.

Ilan aniya sa mga subdibisyon na nakalatag mismo sa naturang fault line ay kabilang ang White Plains, Green Meadows, at Blue Ridge.

Idingdag nito na habang mas madaling maghanap ng relocation sites para sa mga informal settlers, kabaligtaran naman nito ang mga residente sa subdibisyon dahil mahirap kumbinsihin ang mga residente ng subdibisyon ang umalis o lumipat.

Dahil dito, ikinokonsidera ni San Diego na ang mga residente ng subdibisyon ay papirmahin sa waivers para mailayo ang gobyerno mula sa isang malaking responsibilidad kung ayaw nilang lumipat sa mas ligtas na lugar at kapag ang lindol ay tumama.

Ikinasa ang public awareness sa lunsod kasunod ng magnitude-7.6 quake na tumama sa  Eastern Visayas at kalapit na lugar nitong nakaraang linggo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply