Quezon City suki ng carjackers

TILA paborito ng mga carjackers ang lungsod ng Quezon para sa kanilang iligal na modus operandi.

Dahil kaya natutulog sa pansitan o inutil sa kanilang trabaho ang Quezon City Police District (QCPD) kaya naman tila suki silang isahan ng car thieves.

Ayon sa talaan ng Anti Carnapping Unit ng QCPD, ang pagtangay sa isang sports utility vehicle (SUV) sa isang 62-anyos na lola nitong nakaraang Biyernes lamang ng hapon ay pang-apat na sa lunsod sa loob lamang ng isang linggo.

Bukod sa pagtangay sa isang silver Mitsubishi Montero na may plakang (NQK-708) at pag-aari ng biktimang si Liliosa Jusena, 62-anyos at ng kanyang anak na si Neil, 40-anyos, kapwa residente ng Barangay Karuhatan, Valenzulea City, tinangay din ng tatlong carjackers ang P100,000 piso na para sa pagpapagamot ni Liliosa sa kanyang bone disease.

Ayon sa lola, ipinaparada ng kanyang anak dakong alas 7 nitong Biyernes ng gabi ang kanilang sasakyan sa tapat ng Hollywood Building sa West Avenue nang kalabugin ng tatlong hindi nakikilalang kalalakihan ang bintana ng kanilang sasakyan kasabay ng pagtutok ng baril sa mag-ina.

Ayon kay SPO3 Ed Peralta ng Masambong police sub-station, minananeho ng mga suspect ang SUV ng mag-ina patungong Delta bago kinuha ang naturang halaga ng pera at saka ibinaba sila sa may Edsa Balintawak sa tapat mismo ng Mitsubishi Motor dealership branch.

Nito lamang nakaraang linggo, isang Toyota Revo at isang Fortuner ang inagaw sa kani-kanilang tsuper habang nitong nakaraang Lunes naman ay Nissan X-Trail na ang nagmamaneho nito ay binaril sa likod.

Sa apat na naturang insidente, ang pagtangay ng mga sasakyan ay ikinasa ng tatlong kalalakihan at ang kanilang biktima ay ipinapasyal ng kaunti bago ibaba at pakawalan.

Pare-pareho ang paniwala ng mga biktima at naniniwala na iisa lamang grupo ang tatlong carjakcers na bumiktima sa kanila.

Pawang nagtataka rin ang mga biktima kung bakit walang ginagawang askyon ang awtoridad para mahuli ang mga carjackers.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply