Quezon-Araneta underpass bukas na

MISMONG si Pangulong Benigno Aquino III ang nanguna sa pagbubukas ng Quezon-Araneta underpass sa Quezon City kaninang umaga.

Sakay ng isang Asian utility vehicle na walang bubong, dumaan ang convoy ni Pangulong Aquino, kasama si QC Congressman Sonny Belmonte sa bagong sementadong kalsada dakong alas-11:30 ng umaga.

Huminto ang convoy ni Pangulong Aquino ilang metro lamang pagkalampas ng underpass para dumalo sa isang misa at pagkatapos ay ikinasa na agad ang maikling programa bago tuluyang binuksan sa publiko ang nasabing underpass.

Masayang ibinalita rin sa Pangulo na natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang nasabing underpass dahil sa Disyembre pa dapat ito matatapos pero napaaga.

Ipinaalam din sa Pangulo na mayroong tatlong nakakasang water pump ang nasabing underpass na nakahandang sumipsip ng tubig kapag sobrang malakas ang ulan.

Dahil dito, inaasahan na luluwag na ang daloy ng trapiko simula sa Welcome Rotonda northbound hanggang sa Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) at vice versa.

Nagsikip ang trapiko sa lugar simula nang umpisahan ng DPWH ang paggawa ng naturang underpass na tumagal din ng halos dalawang taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply