Quick response scheme ni Gen. Purisima, epektibo

ANG “quick response scheme” na ipinatupad noon ni dating National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Gen. Allan Purisima at ngayo’y chief ng Directorial Staff ng Philippine National Police (PNP) ang siya ngayong patuloy na ipinatutupad ng bagong NCRPO chief, Gen. Leonardo Espina.

Kaya maraming krimen nga-yon sa lansangan ang agad-agad na nalulutas dahil sa mabilis na pagresponde ng ating mga kapulisan.

Dahil dito, marami tayong  kababayan sa Metro Manila ang natutuwa dahil sa naging  mabilis na pagresponde ng ating kapulisan lalo na ang Mobile Patrol Car dahil lang sa ‘quick response scheme’ ni Gen. Purisima.

Biruin n’yo ‘in less than five minutes ay nandyan na agad ang responde ng mga mobile patrol car ng Manila, Pasay, Parañaque, Ma-kati, Las Piñas, Mandaluyong, Pasig at San Juan at iba pang lungsod sa Metro Manila.

Siguro ito nang si Gen. Purisima ang karapat-dapat na humalili sa puwestong maiiwanan ni PNP chief Gen. Nicanor Bartolome.

Alam din natin na tanging si Gen. Purisima lang ang makapagbabago sa nasirang imahe ng pulisya. Go…go…go…, Allan!

GAYBAR SA PASAY NA ‘DI MATINAG

PATULOY ang operasyon ng prostitusyon ng mga kalalakihan sa Flower for Men (FFM) Gaybar Disco sa Roxas Boulevard, Pasay City sa kabila ng ilang beses na nating tinawagan ng pansin ang kapulisan at tanggapan ni Pasay City Mayor Antonino Calixto.

Hindi matinag ang gabi-gabi na pagsasayaw at pagpapahawak ng live na mga kargada ng mga kalalakihan na nagtatrabaho sa nasabing gaybar.

Isang alyas Bong Norton  na may koneksyon sa tanggapan ng Pasay City License and  Permit Office na kinilala lamang sa alyas Boyet del Rosario ang umano’y siya raw ang nagbibi-gay proteksyon sa nasabing establishment.

Isang Koreana na kinilala lamang sa pangalang Ester ang siyang nagmamantini ng gaybar na kung saan walang ipinagmamalaki si Del Rosario.

Anomang reklamo mangyari ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply