Radio station manager, nakaligtas sa ambush

NAKALIGTAS sa tiyak na kapahamakan ang isang radio station manager nang hindi pumutok ang baril na itinutok sa kanya ng isa sa mga armadong kalalakihan na umatake sa kanya sa Sorsogon.

Dahil sa pagtatangka sa kanyang buhay, na-trauma ang biktimang si Duds Marianito, station manager ng Radyo Natin, residente ng Irosin, Sorsogon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 4:30 Lunes ng hapon ilang metro lamang ang layo sa bahay ng biktima.

Bago ito, pauwi na ang biktima nang harangin ng may anim na hindi nakikilalang kalalakihan na lulan sa tatlong motorsiklo.

Isa, aniya, sa mga suspect ang bumaba ng motorsiklo at tinutukan siya ng baril sa ulo kaya ipinikit na lamang niya ang kanyang mata at naghintay sa kanyang kamatayan  pero sa ‘di malamang dahilan ay maswerteng hindi pumutok.

Tumakas naman agad ang mga suspek palayo sa biktima.

Hinala ni Marianito, na ang kanyang mainit na komentaryo sa isang malaking personalidad sa kanilang lugar hinggil sa  kapalpakan nito sa trabaho ang motibo sa pagtatangka sa kanyang buhay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply