Raket ng DENR-Bicol at asukal sa Bulacan

MAHIGIT isang libong sako ng uling araw-araw mula sa Bicolandia ang pinalulusot ng DENR papunta sa Maynila.

Ibig sabihin, maraming punongkahoy ang pinuputol araw-araw para makabuo sila ng ganito karaming uling.

Kaya nanganganib, parekoy, na sa ilang taon na darating ay makakalbo na ang kagubatan sa Bicol region sa pakikipagsabwatan ng mga buwaya sa DENR-Bicol.

Ang nasabing mga uling ay nagmumula sa Tinambac, Camarines Norte, sakop ng opisina ng  DENR sa Goa.

Noong si Pio Bernal pa ang CENRO sa Goa,  nagsimula rito ang pagbibigay ng permiso sa “tres marias” na biyahero ng uling pa-Maynila.

Ang raket na ito ay nabisto ng Regional Director kaya itinapon si Bernal sa Naga City dahil hindi ito ang DENR office na nakasasakop sa Tinambac,

Ang nakapagtataka, patuloy pa rin si CENRO Bernal sa pagbibigay ng permit ng uling na galing sa Tinambac!

Maliwanag na ginagago ni Bernal hindi lamang ang kan-yang DENR Regional Director kundi maging si Pangulong Aquino na kamakailan lang ay nagpahayag ng pagkontra sa iligal na pamumutol ng kahoy saan mang bahagi ng bansa!

Next issue ay tutukuyin natin ang mga kasabwat ni Bernal at kung magkano ang transaksyon ng mga hinayupak!

-o0o-

DAPAT busisiin ng Bureau of Customs, DTI at BIR itong operasyon ng mag-amang Victor at Vicente Chua ng WTV Marketing na nakabase sa San Jose del Monte Bulacan.

Ayon sa impormante, mga smuggled na asukal mula China ang parating ng mga ito, ngunit kaagad na inililipat sa mga sako ng Victorias Sugar.

Dagdag pa ng source na maging ang marurumi ng asukal ay inihahalo ng mag-ama sa kanilang niretokeng produkto na nagdudulot ng panganib sa mga consumer.

Alam umano ito ni Mayor Rey San Pedro pero ang na-kapagtataka ay kung bakit tuloy-tuloy ang operasyon nila. Para matiyak na lehitimo ito, aba eh, dapat  imbestigahan agad ng kinauukulan!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking programang “Alarma Kinse Trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply