Rama, nakapuntos sa perjury complaint vs Ynna Assistio

IAAKYAT na sa korte ang reklamong perjury na inihain ni Annabelle Rama laban sa young actress na si Ynna Assistio.

Ito’y matapos magdesisyon ang Pasig City Prosecutors Office na nagsasabing mayroong “sufficient evidence” o probable cause ang reklamong isinampa ni Rama laban sa batang Asistio na anak ni dating aktres na si Nadia Montenegro na kaalitan din ng kontrobersyal na talent manager.

Ang nasabing complaint ay kaugnay ng petisyong inihain ni Ynna sa Makati City Regional Trial Court para ipawalang-bisa na ang kontrata niya kay Annabelle.

Binigyang diin ni Annabelle na binago ni Ynna ang “rescission of contract” at inconsistent din umano si Asistio sa mga dokumentong isinumite nito sa korte.

Si Anabelle ay naharap sa kasong libel, child abuse, falsification of public documents at oral defamation dahil sa pagmamatigas nito na pakawalan ang dalawang anak ni Montenegro na kanyang kapwa talento o alaga.

Una nang ibinasura rito ang child abuse case at falsification of public documents habang nagpasok naman siya ng not guilty plea sa 14 counts ng kasong libelo.

Si Ynna ang girlfriend ngayon ng aktor na si Mark Herras.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply