Rationalization Plan sa BIR, nakabinbin pa rin

ANG ‘good news’ – mahigit sa 6,000 empleado sa BIR ang planong idagdag sa kasalukuyang 11,000 para umabot sa 17,000 ang bilang ng mga opisyal at empleyado ng Kawanihan ng Rentas Internas sa papasok na taong 2013 sa sandaling maaprubahan ang pinakahihintay na Rationalization Plan o (RaPlan).

Ang ‘bad news’, tila hindi na naman naisama sa panukalang 2013 national budget ng Department of Budget and Management ang RaPlan na diumano’y may 10 taon nang nakabinbin sa DOF, hindi lamang para sa salary adjustment ng mga opisyal at kawani ng BIR at Bureau of Customs – kundi nakasalalay din dito ang promosyon ng mga  nasa ‘officer-in-charge status.’

Una nang ibinunyag ni former BIR Intelliegence Officer Lawyer Soc Aguinaldo na sapul nang umupo sa puwesto si BIR Commissioner Kim Henares, tinatayang umaabot na sa bilang na pitong regional directors, 47 revenue district officers, limang assistant commissioners at mahigit na 70 revenue officials ang nanunungkulan bilang mga ‘officer-in-charge’ o OIC dahil sa pagkakabinbin sa DOF ng Raplan.

Isiniwalat din ni Attorney Aguinaldo na karamihan sa mga nakapuwesto diumano sa BIR na humahawak ng OIC positions ay pawang may mga mabababang ranggo, mababa ang item o hindi tugma para pangasiwaan ang isang sensitibong posisyon, isang bagay anya na posibleng nalalabag na ang ilang probisyon ng Civil Service Rules and Regulations.

Ayon kay Mr. Aguinaldo, dapat ding bigyang-pansin ng pamunuan ng BIR ang kaso ng ilang matataas na opisyal ng Rentas Internas na diumano’y nagpabata o nandaya ng kanilang edad para manatili sa kanilang puwesto gayung ilan sa mga ito ay retirado na dapat sa puwesto noon pang nakaraang taon, nitong taong ito o sa susunod na taon subali’t nananatili sa kanilang posisyon dahil sa pandaraya o dinuktor na birth certificate.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply