Wild Bird club tutol sa Manila Bay reclamation

PUMALAG ang Wild Bird Club of the Philippines sa plano ng gobyerno na i-re-claim ang malawak na bahagi ng Manila bay.

Sinabi ng grupo na ang reclamation ay magmumula sa Ternate, Cavite hanggang sa Bataan kabilang ang 600 na ektaryang dagat sa coastal lagoon ng Parañaque at Las Piñas.

Maging ang pagggamit sa bird strike sa isang eroplano sa Tacloban upang matakot ang publiko ay inalmahan din ng grupo.

Ngunit ang tunay na usapin, anila, ay ang nakaumang na reklamasyon na sisira sa mga sanctuary sa mga coastal area kabilang ang maraming uri ng ibon at bakawan.

Lumabas naman sa pag-aaral ng Wild Bird Club, 2007 pa lamang ay 5,000 ibon ang dumarating sa bansa sa peak period ng migratory season kasama na rito ang dalawang porsiyento ng East Asian-Australian flyaway black winged stilts.

Paliwanag ni Arne Jensen, bird strike advisor, sa Copenhagen Airport sa Denmark, hindi kailangan ang pagtanggal ng mga puno, bakawan at habitat ng mga hayop sa coastal lagoon.

Aniya, dito sa PIlipinas, sa halip na magsagawa ng reclamation dapat magkaroon ng iba’t ibang uri ng bird strike adaptation at mitigation strategies.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply