Regine Velasquez magsasalba sa sunud-sunod na flop na pelikula ng Regal

DATI-RATI ay wala talagang makatatalo sa Regal Films ni Mother Lily Monteverde. Bagama’t nakasabay naman noon ang Viva at Seiko Films sa nasabing movie outfit ni Madera, poor second and third lang sila rito. But now, nang sumulpot ang Star Cinema na itinuturing ngayong No. 1 movie outfit in the country, bagamat nandiyan pa rin si Mother Lily, tanggapin man niya at ng kanyang kampo o hindi, poor second na lang siya ng Star Cinema.

Yes, halos lahat ng movies na produced ng nasabing production ay pawang kumita sa takilya. ‘Yung latest project nga nilang The Mistress na pinagbibidahan ng magka-labtim na sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo. Naka-more than 200 milyon na and still counting. Samantalang ang mga pelikula ng Regal pasintabi, sunod-sunod ang flops nila. Ang da height may mga movie sila na nagpi-first. Pero, hopefully naman, baka rito sa Regine Velasquez project nila kapag natuloy ay baka rito na makabawi si Mother.

Yes, from Viva Films ay hiniram ng Regal matriach si Regine para gumawa ng pelikula sa kanyang movie outfit. Wala pang balita kung sino ang magiging leading man rito ng Asia’s Songbird. Let’s wait and see and best of luck na lang gyud!

***

Maya at Sir Chief dinumog ng kanilang libu-libong fans

MAINIT nang pinag-uusapan ang pagpasok ng award-winning actress na si Maricar Reyes sa istorya ng No. 1 daytime TV program sa bansa na “Be Careful With My Heart” na pinagbibidahan nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Mismong si Maricar ay excited na sa magigigng reaksyon ng loyal viewer ng hit kilig-serye kaugnay ng role niyang si Rafi, ang best friend ng Sir Chief (Richard) ni Yaya Maya (Jodi). “Masayang-masaya ako lalo na dahil light lang and feel-good ‘yung story ng ‘Be Careful With My Heart,” ani Maricar. “Ibang klaseng character naman ang susubukan ko. Mas masayahin naman. Sana matuwa ang viewers kay Rafi.”

Nang tanungin kung magiging kontrabida ba siya sa love story nila Maya at Sir Chief, maikli lamang ang sagot ni Maricar.”Yun and dapat abangan nating lahat.”

Samantala, halos anim na libong fans ng Be Careful With My Heart ang dumagsa kamakailan sa Kapit-Bisig Day: The Grand Album Launch na ginanap sa SM Muntinlupa. Mismong sina Jodi at Richard ang nanguna sa nasabing event na dinaluhan rin ng iba pang cast members ng show kabilang sina Mutya Orquia (Abby), Rosario Carlos (Doris), Vivieka Vivieka (Sabel), Janella Salvador (Nikki), at Jerome Ponce (Luke).

Patuloy na kumapit araw-araw sa pinakapinag-uusapang kilig-serye sa buong bansa tuwing 10:45am, pagkatapos ng “Two Wives” at mapanonood naman every Satuday at 10:00 am to 11:30 am sa Sabado Rewind sa ABS-CBN.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply