Reigning Ms. Olive C 2012, tilam-tilam kay Alden Richards!

SUPER crush ngayon ng reigning Ms. Olive C 2012 na si Rohama Richards si Alden Richards. Super watch ang 16 year-old beauty titlist ng programa ni Alden at Louise delos Reyes na On True Love ng GMA 7. Iniiyakan niya si Alden sa mga eksenang nakadadala tulad na lang nang graduation speech nito na inaalay niya kay Louise sa kwento ng soap.

Feeling ni Rohama, siya si Louise sa mga eksena ng dalawa sa soap. Iba raw kasi ang dating sa kanya ng young actor. Ideal crush dahil sa simple lang at super bait, bukod pa sa gwapo at may dimple na masarap halikan sa pisngi. Pero, hanggang paghanga lang daw siya dahil nakatutok ang oras at panahon niya sa pagsali sa beauty contest.

Samantala, puedeng maunsiyami ang pagsali ni Rohama sa beauty contest kapag di naayos on time ang kanyang passport. That way, di siya makasasali sa international beauty pageant na gaganapin sa Guatemala City next month.

Bale ito ang naging pahayag ng Psalmstre President Jaime Acosta. Nakalulungkot raw sa parte ni Rohama na di makapunta sa Guatemala dahil one year siyang gumawa ng preparation para sa yearly pageant.

Sa parte naman ni Mr. Acosta, ang gumagawa ng sikat ngayong soap para sa kabataan, ang Olive –C, alalay lang siya kay Rohama dahil at 16, bata pa lang ito. Naniniwala siyang marami pang opportunity ang darating sa teen-ager. Bukod pa rito, gusto ng big boss, na ipagpatuloy ni Rohama agad ang pag-aaral.

Habang nagma-mature si Rohama, lalo siyang gumagaling sa pagmo-model at pagsasalita sa harap ng maraming tao.

Gusto pa ni Mr. Acosta na idevelop nang husto ang talents ng kanyang alaga sa modelling at public speaking naasset ng isang beauty queen.

Kaya lang, kahit pansinin at masarap nang kausap si Rohama, ayaw ng mentor niyang pasukin agad nito ang show- biz. May standing offer na raw ritong maghost sa Will Time Big Time ni Willie Revillame.

000

KARAPATDAPAT magwagi si Solenn Heussaff bilang Best New Female Artist ng Star Awards for Music dahil siya naman talaga ang visible sa lahat ng mga shows ng GMA 7 na kailangan siyang kumanta tulad ng Party Pilipinas, Eat Bulaga at guestings sa Bubble Gang.

Hindi basta-basta new singer lang si Solenn. Aba! may ipagmamalaki na siyang record album na produced at re- leased ng Universal Records. Bukod pa rito, kabagu-bago pa lang niyan kumakatanta ay nagkaroon na agad siya ng solo concert sa Teatrino Greenhills.

Di lang naman singer si Solenn, artista rin siya. Ikinaiba niya sa kanyang mga kalabang baguhan, nagkaroon na siya ng award bilang Best New Female Star ng Star Awards for Movies noong summer para sa movie na Temptation Island.

Sa ngayon naman ay kasama siya ni Manny Pacquiao na nagsu-show sa America. Sa Universal Studio sa Los Angeles nagkaroon ng dalawang episodes na show ang sikat na Manny Many Prizes ng Pambansang Kamao. Siyempre, kakanta, sasayaw at maghu-host si Solenn.

Sa kanyang latest movie under APT Films, lalabas na leading lady siya ni Jose Manalo.

Last Friday, special guest si Solenn sa Bubble Gang at hindi talaga nagpahuli ang Pinay-French actress sa mga naggagandang Bubblets ng gag show na kinabibilangan nina Ellen Adarna, Jackie Rice, Gwen Zamora at FHM top mo- del Sam Pinto.

As always, click ang gags na tampok ang topic na Pest Control, ganon rin ang Pick Up Lines ni Ogie Alcasid, Cheche Bureche nina Ogie at Michael V, ang bagong Pinoy Jenyo, at iba pa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply