Relasyon kay Angelica Panganiban inamin na ni John Lloyd

SA ikalawang pagkakataon ay nagpakalalaki si John Lloyd Cruz para aminin ang kanyang relasyon sa isang babae.

But this time ito ay kay Angelica Panganiban na.

Ang nasabing pag-amin ay ibinuking ng isang entertainment writer na during John Lloyd’s exclusive interview with “The Buzz,” na inilabas nitong Linggo ay may ilang interview ang aktor na pansamantalang hindi inilabas ni Boy Abunda.

Ayon kay Reggee Bonoan, kumpirmadong may relasyon na ang dalawa ayon na rin sa kanyang reliable source .

Ayon pa aniya sa kanyang source, sadyang hindi muna inilabas ang interview na inamin ni JL ang relasyon kay Angelica dahil baka makasira ito sa upcoming movie ni John Lloyd sa Star Cinema ang “The Mistress.”

“Makakasira ng promo ng ‘The Mistress’ kaya ipina-edit ang pag-amin ni John Lloyd sa ‘The Buzz,’” ayon pa sa source.

Nakatakda namang aminin ng dalawa ang kanilang relasyon after na mailabas ang “The Mistress.”

“After two weeks siguro maipalabas ang ‘The Mistress,’ sabay nang iuupo sina Lloydie at Angelica para sabay nilang aminin at ikuwento sa publiko kung paano at saan nagsimula ang maganda nilang relasyon.”

-000-

Matatandaan na sa nakaraang interview ni John Lloyd sa The Buzz, sinabi nitong wala pa sa panahon para pag-usapan ang kanyang relationship kay Angelica bilang respeto na rin sa kanyang long-time onscreen partner Bea Alonzo na kanyang partner sa The Mistress.

“Ang pinanggagalingan ko, for something this special, ayaw ko itong isabay sa promo ng pelikula ko,” aniya.

“It deserves a better timing. Hindi naman tanga ang mga manonood. Opo, wala po akong sinasabing iba. Ang sa akin lang, ‘yung sa amin gusto kong bigyan ng pagpapahalaga na tingin ko ay karapat-dapat para sa amin.”

Nauna na ring nakitang magka-holding hands ang dalawa habang paalis na sa 6th Star Magic Ball sa Makati Shangri-La Hotel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply