Remittances ng mga OFWs noong Hulyo, sumipa sa $2-B

SUMIPA sa $2-billion ang remittances mga Pinoy na nagtatrabaho at nakatira sa ibang bansa nitong nakaraang buwan ng Hulyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon sa BSP, ang nasabing bilang ay mataas ng 5.4 percent kung kumapara sa year-on-year data.

Nabatid na ang malaking bilang ng mga dollar remittances ay galing sa mga land-based Overseas Filipino Workers (OFWs) na mayroong work contracts na umaabot ng mahigit isang taon.

Kabilang sa mga major sources of remittances ay Amerika, Canada, Saudi Arabia, United Kingdom, Japan, United Arab Emirates at Singapore.

Dahil dito, inaasahan ng BSP na lalago pa ng 5% ang total cash remittances ng mga kababayang nasa ibayong dagat ngayong taon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply