Rep. Winnie ‘epal’ Castelo at sibakin si Comm. David

NAKASANAYAN na ni PNoy na sa harapan ng madlang pipol inilalabas niya ang mga hinaing sa kapalpakan ng kanyang mga tauhan.

Gaya ng kanyang ginawa kamakailan lamang sa 72nd anniversary ng Bureau of Immigration kung saan harapan niyang ipinahiya ang mga umano’y nakipagsabwatan para makatakas ng bansa ang magkapatid na Reyes ng Palawan.

Sa totoo lang eh, halata namang may kutsabahang naganap sa Reyes brothers at ilang opisyal ng BI.

Pero mas maganda sana kung pinaimbestagihan na lang agad ito ni PNoy at kasuhan ang mga may kasalanan.

O kaya naman ay sibakin na lang sa pagiging Commissioner si Ricardo David.

Kesa naman harapang ipahiya ang buong kawanihan na maging ang matitinong empleyado tuloy ay nadaramay sa kahihiyan.

‘Yan, parekoy, ang mahirap sa isang Pangulo na hindi na-karanas maging ama ng tahanan. . .hindi alam kung paano umakto bilang ama ng bansa!

Ang isang ulirang ama kasi, kung sino lang ang anak na nagkasala, ‘yun ang pinarurusahan, at sa tamang pamamaraan.

Hindi ipinahihiya sa karamihan na pati inosente ay nadaramay sa kagaguhan ng iilan!

-o0o-

KAMAKAILAN ay rumatsada ang isang grupo na kumukontra sa mga “kaepalan” ng ilang politiko rito sa ating bansa.

Karamihan sa kanilang pinuna na mga politiko ay kaagad gumawa ng hakbang upang maituwid o matanggal ang nasabing mga ka-epalan, gaya ng mga tarpaulin.

Pero si Quezon City Rep. Winston “Winnie” Castelo ay talagang nagpakapalmuks!

Hinayaan lang talaga nito ang tarpaulin na nagtataglay ng kaepalan niya at ng asa-wang si Konsehal Precious Hipolito-Castelo.

Ang masakit, parekoy, halos alam naman natin na pera ng bayan ang ginagastos sa mga ito. Pwe!

Kaya kung ako ay taga Kyusi, never kong iboboto sa darating na election itong mag-asawang Castelo!

-o0o-

Pakinggan sa DZME-1530Khz ang aking prog-ramang  “Alarma kinse trenta” (Monday-Friday, 5-6pm). Para sa inyong reaction: 09098992775

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply