Repaso sa RA 9050 atbp.

UMAATIKABONG balitaktakan ang nangyayari sa pagitan ng MILF at ng MNLF makaraang akusahan ng una ang huli na nakikipagtulungan diumano ito sa grupo ng Bangsamoro Islamic Freedom Movement na pinangungunahan ni Ombra Kato sa mga sunod-sunod na atake laban sa mga detachment ng militar sa mga bayan na kontrolado ng pamilyang Ampatuan sa Maguindanao na naging bunga ng paglilikas ng libo-libong sibilyan nitong mga nakaraang linggo.

Mariing pinabulaanan ni Atty. Randolph “Bong” Parcasio ang paratang at sinabing hindi bahagi ng polisiya ng MNLF ang bigyan ng tulong ang ibang armadong grupo dahil sa nilagdaang kasunduan noon sa pagitan ng MNLF at ng GPH na kasalukuyang nirerebisa.

Sa isang tingin, positibong senyales ang pagpapalitan ng komento ng magkabilang panig kesa naman sa daanin sa dahas at sa duwelo na alam ng lahat na maaring makaapekto sa paghahangad ng karamihan, kabilang ang kapayapaan sa Mindanao.

Mas madaling gumawa ng gulo kesa sa pagpapanatili ng kapayapaan sa lugar ng mga Moro, ayon sa isang dating heneral na ayaw magpakilala na matagal na nanungkulan sa isang Army division na nakatalaga sa Mindanao. Pero mainam na ang nangyayari sa kanilang balitaktakan at hindi palitan ng putok, dagdag ng heneral.

=oOo=

Isang technical working group ang binuo ng Regional Legislative Assembly ng ARMM para pangunahan ang pagrerepaso sa Republic Act 9054 bilang kontribusyon nito sa repormang isinusulong ng Hataman administration sa rehiyon.

Ayon kay Assemblywoman Samira Gutoc-Tomawis, isang panel of experts ang nasabing TWG na kasalukuyang hinihimay ang bawat artikulo ng RA 9054 na binubuo ng 106 na pahina. Ang nasabing batas ay alinsunod sa Article X, Section 15, ng Philippine Constitution na nagsasaad ng pagbubuo ng autonomous entity na ARMM.

Sana nga mapabilis ang isinasagawang hakbang ng RLA para maibigay ito sa Kongreso na siya namang lilikha ng batas para sa mga amendments na kailangan sa pagpapanatili ng buwelo ng reporma sa ARMM. At sana maging produktibo ito na maging kasangkapan na makamit ang kapayapaan sa rehiyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply