Repatration sa Libya, naka-amba

NAKASENTRO ang mga anti-US demonstrasyon at kaguluhan sa Benghazi, at sa mga pasilidad ng Amerika sa Libya , maging sa Egypt at Yemen.

Ito ang pahayag ng tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs na si Usec. Raul Hernandez, sa ulat na galing sa embahada ng Pilipinas sa Tripoli.

Ligtas ang mga Pilipino sa ngayon at walang anumang ulat ng di -kanais-nais na insidente na apektado ang mga OFWs sa anumang bahagi ng Libya , matapos ang marahas na pag-atake ng mga militante sa US consulate at pagkamatay ng US ambassador at tatlong opisyal ng US embassy sa Benghazi.

Patuloy pa ring pinag-aaralan ng DFA ang situwasyon sa Libya at mga karatig na bansang Islam na nagsasagawa ng mga sabay-sabay na anti-US protest sa pamamagitan ng mga embahada ng Pilipinas, upang makagawa agad ng paglilikas ng mga OFWs kung sakaling lumala ang sitwasyon.

Nagpalabas na rin ng advisory ang DFA sa mga Pinoy workers na maging mapagmatyag at lumayo sa mga lugar na may demonstrasyon , at maging handa anumang oras kapag nagpasiya ang pamahalaan na simulan ang repatriation ng mga pinoy sa Libya.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply