Repatriation ng mga Pinoy sa Syria, tinututukan ng DFA

TINUTUTUKAN na ngayon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert Del Rosario ang sitwasyon sa Syria para sa agarang paglilikas sa mga overseas Filipino Worker (OFW) sa nagkakagulong bansa.

Sinabi ni DFA spokesman Raul Hernandez na bumiyahe na si Del Rosario sa Damascus para alamin ang kalagayan ng mga OFW sa Syria at magkasa nang agarang paglilikas.

Kaugnay nito iniulat na walang Pilipinong nadadamay sa mga karahasan sa Syria.

Batay sa ulat ni Hernandez base na rin sa report na nakalap nila mula sa mga kinatawan ng bansa sa Syria, ligtas at nasa mabuting kalagayan ang mga Pinoy sa naturang lugar.

Samantala, mahigit sa 5,200 Filipino ang nais nang lumikas mula Syria bunsod ng patuloy na karahasan sa naturang bansa.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply