Residente malapit sa La Mesa dam, pinaghahanda sa paglikas

PINAYUHAN ng awtoridad ang mga residente na malapit sa La Mesa Dam sa Quezon City ngayong umaga  na maghandang lumikas sa mas ligtas na lugar dahil ang water level sa dam ay malapit nang umapaw.

Sinabi ni Wilfredo Espeneda, officer of the day sa La Mesa headworks, na ang dam ay nasa yellow alert dakong 6 a.m., na ang water level ay umabot na sa 79.34 meters.

Ang spilling level, aniya, ng dam ay 80.15 meters.

Sinabi naman ni Dr. Noel Lansang, hepe ng Quezon City disaster control division, na ang mga barangay officials sa lugar na malapit sa Tullahan River ay naghanda-handa nang ilikas ang mga residente.

“Take proactive tayo, kung kailangan lumikas naka-ready ang barangay hall. Mas mahirap pumunta pag mataas na ang tubig, pahayag nito.

Bukod sa La mesa dam, mino-monitor din nila ang Marikina River, na ang water level, aniya, ay umabot na sa 15.1 meters dakong alas 6 a.m.

Ang mga barangay sa Quezon City, tulad ng Bagong Silangan, ay maaring maapektuhan kapag umapaw ang Marikina River, sabi ng opisyal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply