Respeto

BALITANG-BALITA ang bangayan nina Senate President Juan Ponce Enrile at Sen. Antonio Trillanes IV. Nagsimulang maghagisan ng maaanghang na salita ang dalawang

mambabatas nang nag-privilege speech si Sen. Trillanes laban sa isang panukala na

pagtalaga ng bagong lalawigan mula sa Camarines Sur. Minamadali raw ito ni Sen. Enrile

dahil sa kagustuhan daw ito ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo. Nabanggit na

rin ni Trillanes na “HINDI SIYA HAPPY” sa pamumuno ni Sen. Enrile sa Senado. Bumwelta

si Sen. Enrile kay Sen. Trillanes at ginisa siya sa pag-“Back Channel” nito sa gulo ng

bansang China at Pilipinas sa Panatag Shoal stand off. “Traydor daw sa bayan si

Trillanes.” “Tuta naman daw ni GMA si Enrile.”

Ikinagulat ito ng mga kapwa senador. Bagama’t hindi maiiwasan ang mga maiinit na

debate sa mga senador, ay grabe raw ang mga personal na atake ng dalawa sa isa’t isa.

Umiinit tuloy ang usapan na may mga senador na gusto nang palitan si Enrile bilang Senate President. At siyempre pag nagpalit ka ng liderato sa Senado ay mababalasa rin ang chairmanship ng  committees at ibang offices sa Senado.

May mga senador na nagpa-hayag ng suporta kay Enrile at may ilan naman na tumangging pinag-lalawayan nila ang puwesto ng Senate President. Meron din namang dumepensa kay Trillanes. Batay sa mga ganitong pahayag ay mababasa mo na mas malalim ang problema sa Senado. At naging issue lang ang Camarines Sur at ang China.

Noong majority floor leader ako ng Quezon City council ay may mga insidente rin ng maiinit na debate sa plenaryo. Ito ay dahil sa iba’t ibang pananaw at paniniwala ng mga konsehal na halal ng tao. Bilang “Majo” ay binabalanse natin ang sitwasyon. Karapatan ng bawa’t mambabatas ang magpa-hayag ng opinyon at magtanong sa kasama upang magbigay-linaw sa ilang bagay. Pero may isang rule kaming sinusunod na ika nga ni dating Konsehal Tito Jorge Banal “We can disagree without being disagreeable.”

Puwede naman tayong maging magkasalungat pero hindi mag-kaaway. “You can be an opponent but not my enemy.”

Iniiwasan din namin na magbitaw ng mga mapanirang salita at mga masasakit na kataga.

Gayunman ‘di talaga ma-iiwasan ang iringan. Pero ang mas mahalaga pagkatapos noon ay bati-bati ang lahat.

Naaalala ko na isa sa pinakamatanong at makulit na konsehal noon ay ang minority floor  leader na si Councilor Romel Abesamis. Lagi ko kadebate ito at minsang gusto rin ako

tanggalin sa puwesto ko. Pero, sa totoo lang ay isa sa mga malalapit kong kaibigan si Romel.

Balik tayo sa Senado. Habang isinusulat ko ito ay pinanonood ko sa news ang patuloy na WORDWAR ni Enrile at Trillanes. Si Enrile ang pinaka senior senator at si Trillanes ang pinakabata. Puwede mo ng sabihin na parang anak na lamang ni Manong Johnny si Trillanes. Sa aking palagay ay karapatan at responsibilidad ni Trillanes ang magtanong tungkol sa Camarines Sur at iba pang issue tulad ng leadership sa Senado.

Pero, magagawa niya ito ng walang binibitawang salita na makakapag atake sa damdamin ng kapwa senador, lalo na’t mas nakatatanda ito.

Respeto ang hiling ni Manong Johnny. Dito palagay ko nagkulang si Trillanes. Nawalan siya ng respeto. Natatandaan niyo ba ang insidente noon sa isang pandinig sa Senado kung saan ginisa ang dating secretary Angelo Reyes. Opo, nagsuicide po siya noon. Di ba’t nakaramdam din siya ng pangbabastos ni Sen. Trillanes?

Maaari sa edad na 44, ay kainitan pa ng kabataan si Sen. Trillanes. Mula noong “Oakwood Mutiny” kung saan siya unang sumikat, ay malayo pa ang kanyang mararating.

At tatanda rin siya at nawa’y abutin niya rin ang lakas at edad ni Manong Johnny.

Naniniwala ako na may paninindigan siya bilang senador at wala siyang intensyon na maging traydor sa bayan. Pero mas hahangaan ko siya kung siya na unang magkumbaba at ipakita niya ang isang ugaling Pilipino na maging magalang at rumerespeto sa nakatatanda. Hindi kaduwagan ang humingi ng pasensya. Tama man siya o mali sa kanyang gawaing senador, ang respeto sa nakatatanda ay isang dakilang katangian ng isang honorableng tao.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply