Responsable sa sakuna at pagbaha kastiguhin

TILA matindi ang galit ng ilang environmentalist group, kabilang na ang isang pari, kay Environment and Natural Resources Secretary Ramon Paje dahil nais ng mga ito na masibak na sa kanyang puwesto.

Mahirap namang husgahan si Paje sa kanyang trabaho bilang kalihim ng DENR dahil nagtatrabaho naman yata ito at hindi naman pinababayaan ang kalikasan.

Pero kung pati ang ilang miyembro ng sekta ng relihiyon ay bumabatikos na sa kanya, kabilang si Fr. Pete Montallana, chairman ng Save Sierra Madre Network Alliance, tila may mali sa kanyang pamamalakad sa ahensya.

Baka hindi sapat ang tikas na kanyang ipinakikita? Kung ganoon, palpak ang DENR sa pamumuno ni Paje.

Inakusahan ni Montallana si Paje na walang ginagawa laban sa illegal loggers na sumisira sa mga kabundukan at kagubatan. Pero ayon sa mga tagapagtanggol ni Paje, meron namang nahuling mga iligal na namumutol ng kahoy, ‘yun nga lang ay mag-uuling ang nahuli.

O, ‘di hindi pa rin inutil ang DENR sa ilalim ni Paje at iyon din ang tingin sa kanya ni PNoy dahil naipasara niya ang floating kubeta este resto ng mga Koreano sa Taal Lake.

Sinungaling din daw si Paje at mga opisyal nito dahil madalas ipagtanggol ang mga kompanya at indibidwal na sumisira ng kalikasan. Sirang-sira na ang mga kagubatan at kabundukan dahil sa kawalan ng aksyon ng DENR.

Inireklamo rin na matindi ang kapit ni Paje kay PNoy dahil balewala rito ang EO23 o pagbabawal sa pagpuputol ng mga punongkahoy. Mas pabor umano si Paje sa mga nagbibigay ng pagkakakitaan mula sa kabundukan at kagubatan.

Kaya hiling ng pari sa Pangulo ay sibakin na si Paje mula sa DENR upang mailigtas ang marami pang buhay mula sa pagbaha at pagguho ng lupa. Kailan naman kaya papasok sa isip ni PNoy na kailangang sibakin ang mga taong may kinalaman sa mga pagbaha at ilan pang sakuna dahil sa panghahalay sa Inang Kalikasan?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply