Responsableng pagmimina, susi sa kaunlaran ng Mindanao – Koko Pimentel

KINILALA ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III ang pagmimina na mabilis na magpapatakbo sa ekonomiya ng Mindanao kung itutulak ng mamamayan ang mga prinsipyo ng nasusustenahang kaunlaran.

“Maaaring payagan ang pagmimina sa ating bansa sa kondisyong gagamitin dito ng mga dayuhang investor ang pinakamabubuting praktis sa kanilang bansa,” ani Pimentel na nag-iikot ngayon sa Mindanao.

“Dapat maging responsable ang mga dayuhang investor sa pagmimina para protektahan ang kapaligiran, tiyaking patas ang hatian sa kita at magbayad ng tamang buwis sa gobyerno,” giit ng senador.

“Ang mga kondisyong ito ay magtutulak sa nasusustenahang pag-unlad na kailangan ng mga Pilipino, lalo ng mga taga-Mindanao dahil sila ang may-ari  ng mga deposito.”

Ani Pimentel, mayaman sa depositong mineral ang Mindanao na may mga potensiyal na pandaigdigang miminahin kabilang ang panukalang $5.9-B Tampakan Copper-Gold Project sa South Cotabato na posibleng mag-ambag ng karagdagang 10.4 porsiyento sa taunang gross domestic product (GDP) ng Rehiyon 11 at  12.

“Ang ibig kong sabihin, dapat unang protektahan ng mga kompanya sa pagmimina ang balanseng pangkapaligiran bago ang iba,” giit ni Pimentel. “Dapat pakinabangan ng buong bansa at  hindi lamang ng mga dayuhang investor ang mga pakikipagsapalaran sa pagmimina. At  iyan ang tinatawag nating nasusustenahang pagmimina.”

Idinagdag niya na malalagpasan ng Mindanao ang mga hamong pang-ekonomiya kung magtutulungan ang lahat ng sektor dahil may mahigit 22 milyong populasyon ang Mindanao kaya sapat ang lakas-paggawa at mayayamang lupain na angkop sa agro-industrial development.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply