Resulta ng imbestigasyon sa presyo ng langis, hiniling na isapubliko

HINILING ng Gabriela Women’s Party na isapubliko na ng Independent Oil Price Review Committee ang result ang imbestigasyon nito sa alegasyong sobra-sobra ang presyo ng produktong petrolyo.

Nangangamba si Gabriela congresswoman Luz Ilagan na may nangyayaring hindi maganda sa pagkabalam ng pagsasa-publiko ng result ang imbestigasyon.

Dagdag ni Ilagan, maaring dahilan ang pagreretoke ng komite ng resulta kung kaya hindi mai-labas-labas ang resulta.

Ipinaalala ng mambabatas na mahalagang malaman ng mamamayan kung mayroon nga bang sobrang pagtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo dahil direkta ang hagupit nito sa taumbayan.

Umabot ng anim na piso ang dagdag presyo sa kada litro ng krudo at pitong piso’t limampung sentimo naman sa gasolina nitong nakaraang buwan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply